Masyadong malaki ang mundo. Minsan.
Masyadong maliit ang mundo. Minsan.
MINSAN, nalilito na ako kung anong
totoo. Masyado nga bang malaki ang mundo at punong puno ng espasyo? O masyado
nang napakaraming tao nakapaligid sa’yo kaya hindi mo na rin makita ang
espasyong tinutukoy ko? O baka naman, nakalikha ka na ng ibang mundo kaya wala
nang espasyo para sa ibang tao?
Ang hirap huminga, naninikip ang
dibdib ko. Patuloy kong hinahanap ang hangin. Patuloy akong kumakapit sa hindi
ko maaninag. Patuloy akong tumatakbo. At lalong naninikip ang dibdib ko.
Gusto ko ng espasyo.
Binuksan ko ang unang pinto, punong
puno. Nakita ko ang pangalawa, wala ng lugar. May ikatlo, ika-apat, ika-lima hanggang
ika-sampu, pero bigo akong makahanap ng espasyo. Wala nang lugar para sa’kin.
Wala nang lugar para humimlay. Napakaraming lugar. Napakalaki nito. Pero bakit
ka napupuno?
Gusto kitang masumpungan ngayon. Gusto
ko ng katahimikan. Gusto ko ng kapayapaan. Kailangan kita ngayon..
ESPASYO.