DG


Ilan pa?

Lima pa.

Dami pa.

Kulang pa nga yun eh.

Huh? Bakit? Ilan ba dapat?

Marami. Maraming marami.

Ga’no karami?

Yung hindi mabibilang.

HUH?!


Hanggang ilan nga ba dapat? Dapat ba talagang mabilang? Hindi. Pero sa bawat takal ng bigas, may katumbas na takal ng tubig. Sa bawat taktak ng toyo, may katumbas na taktak ng suka para tama ang timpla. Sa bawat pagkilos, dapat may panukat. Sa bawat paghakbang, kailangan alam natin ang ating kinaroroonan. Nasa tamang destinasyon ba tayo? O baka naman may mga maling hakbang tayong nagawa at may mga prosesong hindi natin nagawa ng tama?

DOSE. Yan ang panukat ko. Sa pagtatapos ng taong Dos Mil Onse, may pito na. ibig sabihin, kailangan ko pa ng lima. Pero pag dose na ba, kumpleto na? HINDI PA. dahil ang dose ay timpla lang para sa ISA. At sa mundong ito, marami pang  “isa” ang naghahanap ng tamang lasa.



Labels: edit post
0 Responses

Post a Comment