Define sariling sikap
Well, yan yung kapag kailangan mong itali yung ribbon sa
likuran ng damit mo at kahit na may ibang tao naman, ikaw pa rin ang gagawa.
Yan yung kapag walang naka-appreciate ng luto mo kaya ikaw nalang ang uubos.
Yung kapag walang nagla-like sa status update mo, ikaw nalang ang pipindot ng
like button. Yung kapag walang pumapansin ng DP mo, ikaw na magco-comment para
lumabas sa newsfeed. Cool ‘di ba? Ano pa? Yung kapag nasugatan ka na sa batok, ikaw
pa rin ang gagamot. At higit sa lahat, yan yung kapag dinown ka ng ibang tao, umiiyak
ka na, pero ikaw pa rin ang tatapik sa sarili mo at sasabihing, “Okay lang yan,
wag mo silang pakikinggan..”
Ano, nakaka-relate ka ba? Kung hindi, ikaw na, ikaw na ang
nag-uumapaw ang friends. Kung oo naman, huwag kang mag-alala. Kaya ka nga
sariling sikap di ba? Matatag ka.
Sabi nga ng kaibigan ko, yan yung feeling na ginawa mo na
lahat, binigay mo na lahat, halos wala ka ng buhay (syempre exaggerated yan),
tapos wala lang? Mas masakit pa, yung tatapakan at ibabasura yung pinaghirapan
mo. Naman, parang buong pagkatao at dignidad mo ang tinapon eh. Pero ayos lang,
dahil sa mga pagkakataong yan, dyan napapatunayan kung gaano ka katatag. Dyan
nasusukat kung hanggang saan ka lalaban.
Kaya sa susunod na maramdaman mong nababalewala ang lahat ng
pagsisikap mo, okay lang yan. Wala kang ibang gagawin kundi itaas ang kanang
kamay mo, ilapat sa kaliwang balikat, itaas at ilapat ulit, at ulitin mo ng
ilang beses. At sabihin mong, “Okay lang yan, mahal ka pa rin ni God.”
Sabay pikit. Ngiti. At managinip ka ng gising. Ipagpatuloy mo
ang ang mga malalaki mong pangarap na nasa puso mo. Anuman ang sabihin nila,
kutyain ka man nila, friend, wag mong kalilimutan: una, andyan pa si God.. at
pangalawa, meron tayong tinatawag na..
SARILING SIKAP.
Post a Comment