DG

“It’s complicated.”

Uso yan ngayon. Trending ba. Sabi nga sa quote na nabasa ko, “Uso ngayon ang larong sweet sweet-an, ang unang ma-fall, TALO.” Kaya nga merong M.U. – Magulong Usapan, MisUndersntanding, Mutual Understanding (daw).. at kung ano pa ang depinisyon mo ng M.U.

But well, hindi naman yan ang topic ko. Zero ang love life ko at hindi ko rin tipo ang ganyang laro. SIGURO, masyado lang akong attached sa phrase na “It’s complicated”.

“It’s complicated.” Yan ang status. Oh, don’t get me wrong. Hindi yan ang relationship status ko ngayon at hindi magiging ganyan kahit na kailan. So ano ang complicated? Uhm, palitan natin. SINO ang complicated?


SIYA. Sinong siya? Basta siya.


SIGURO NGA.

Siguro nga, komplikado siya mag-isip. Siguro nga, mahirap siyang intindihin. Siguro nga, masyadong weirdo. Sabi nga ng mentor niya one time, “Welcome to the club of weirdos my friend!” Haha!

Well, naniniwala naman akong may kanya-kanya tayong ka-weirduhan. Siguro nga, iba iba lang ng level. Kaya nga minsan, yung maintindihan ka lang ng iba sobrang natutuwa ka na. Minsan gusto mo pang mag-celebrate. Kaya minsan, mas lalo ka tuloy nagmumukang ewan. Pero okay naman maging weird eh. Kahit minsan lang, nafi-feel mong iba ka, unique ka, wala kang katulad. Pero sabi nga nila, everything has a price.

Minsan, ikaw ang nasasaktan sa sarili mong ka-weirduhan at madalas ikaw ang naiinis sa sariling mong pag-iisip. Minsan pwede naman kasing simple lang, ginagawa mo pang komplikado. Minsan pwedeng dedmahin mo nalang, pero dahil may konting sapak ka, pinapansin mo pa. Kaya madalas, nasasaktan ka. Ang mas masakit pa nga, ikaw mismo hindi mo naiintindihan ang sarili mo. Nakakabaliw kaya. Pero ganun talaga eh. So kung masaktan at mainis ka, well, tanggapin mo na lang.. ginusto mo yan eh, di ba? Kahit minsan masakit, well, you have no choice, just endure the pain and enjoy the tears. Hehe.

Pero sabi nga niya, may masakit pa dyan. Yung pakiramdam na akala mo nauunawaan ka, pero sa totoo lang, hindi pala. Ayos lang naman kahit hindi ka maintindihan eh. Alam mo naman sa sarili mo na medyo baliw ka at may konting saltik ang mga ideya mo. Pero sana pala, walang magpapanggap na naiintindihan ka kung hindi naman pala. Lagi namang may taong makakaunawa eh. Kahit isa lang, ayos na yun. At least may isa. Hindi mo na kailangan ng pangalawa kung joke lang naman pala. Minsan tuloy akala mo suportado ka, pero sa dulo, maiiwan ka lang mag-isa. Masakit kaya yun. 'di ba?


Pero pag dumadating ang ganyang panahon sa kanya, panahon ng tag-ulan, ayos lang. At least, napapatunayan niyang tao pa rin siya.. nasasaktan. At syempre, natututo naman, kaya ayos lang :)

Kaya pag sinumpong siya ng ka-weirduhan niya, enjoy na lang! Minsan minsan lang naman yun eh. Pero pag nasaktan siya, tinatanggap din niya. Choice niya yun eh.


Siguro nga, weird siya. Siguro nga, komplikado minsan. Siguro nga, mahirap intindihin minsan. Kahit ako nahihirapan eh. Hehe. Pero masaya akong unawain siya. Masaya akong may ibang linggwahe kaming nalalaman. Pero sa mga panahong hindi ko kayang intindihin, well, sasabayan ko nalang siyang maligo sa ulan. Yun na lang mao-offer ko eh :D


Labels: edit post
0 Responses

Post a Comment