[ the continuation.. ]
“Maaari kang iwan ng lahat.. kaibigan mo, mahal mo, pamilya mo.. lahat sila, maaaring dumating ang araw na susuko sila at iiwan ka.. pero Ako? Hinding hindi Ko yun gagawin sa’yo.. hinding hindi kita iiwan..”
Hindi ko yun malilimutan.
Ika-labintatlo ng Pebrero, yun ang ibinulong Nya sa’kin. Pero siyam na araw pa ang lumipas bago ko tinanggap ang katotohanang iyon. Pero parte siguro ng dahilan ay hindi ko kayang tumalikod sa kung ano ang nakagisnan ko na. Mga bagay na parang kaakibat na ng buong pagkatao ko. Isa pa, anong sasabihin ng magulang ko? Masyado yatang malaking issue ang magpalit ng relihiyon.
Pero gusto ko eh. Ayaw ko na sa dating ako. Ayaw ko na sa dating buhay na gusto ko. Ayaw ko na. Bago ang gusto ko. Bagong buhay na may bagong kasama. At ang gusto ko, Diyos ang kasama ko. Wala akong iiwan, pero maraming magbabago.
Laking simbahan kasi ako eh. Bata pa lang ako, tuwang tuwa na sa’kin mga katekista. Ang bait ko daw kasi. Haha! Biro lang. Lagi kasi akong uma-attend ng bible study. Kahit summer, hindi ko yun pinapalampas. Kaya nga rin bata pa lang ako marami na akong tanong. Mga tanong na hindi mabigyang linaw. Mga tanong na minsan hindi halos masagot.
Eh pa’no yan, nakita ko na ang sagot sa lahat ng tanong ko. DIYOS. Yun lang. Siya lang. Kahit pa gaano karami ang tanong ko, Siya pa ring ang sagot. Ang dami-dami kasing tinuro eh. Karamihan hindi ko makita sa bible. Yun tuloy, hindi nila masagot ang mga follow-up questions ko. Pasensya na lang, matanong ako eh.
Yun nga lang, katumbas nun ay ang paglayo sa nakagisnan kong relihiyon.
Naisip ko, nabuhay pala ako na may “second hand faith”. Okay lang naman ang second hand di ba? Parang sa mga materyal na bagay na meron tayo. Wala namang masama sa pagbili ng second hand. Pero kung papipiliin ka, second hand o brand new? Yung ipapabili sa iba o yung ikaw mismo ang bibili at pipili? Syempre, brand new is better. And your own choice will be the best choice. Syempre, gamit mo yun eh. Ikaw ang makikinabang, ikaw ang mag-aalaga. Eh paano pagdating sa “paniniwala” o “pananampalataya”? Hindi ba dapat yun ang pinaka-importanteng bagay sa buhay mo na pagdedesisyunan mo? Kaya dapat lang na hindi yun “second hand”. At dapat ikaw mismo ang kumilatis at pumili.
At sige, dagdagan pa natin ng ibang analogy. Kumbaga kasi sa kotse, paniniwala mo ang magiging manibela. Yun ang panghahawakan mo at magdadala sayo sa tamang direksyon. Eh paano kung mali ang pinili mong direksyon? Eh di mali ang pihit ng manibela? Anong susunod? Alangan namang pipihit ang manibela sa kaliwa tapos ang gulong tutungo sa kanan? Imposible. If it’s left, it’s left. And so, we should turn to the RIGHT direction. Pero ang paniniwala, manibela lang. Ang pinakaimportante, sino at saan nanggaling ang pihit ng manibela. Sa madaling salita, sino ang “driver”. Kung tama ang pipiliin mong driver, tama panigurado ang pihit ng manibela. At sino ba dapat ang may hawak ng manibela? Di ba dapat si Kristo? Pero ang masama, pag inakala mong napili mo ang tamang driver, at inisip mo tuloy na tama ang takbo ng buhay mo. Pero may mga mapanlinlang palang tsuper na nagtatago lang sa pangalang “kristo”.
Sabi sa Romans 12:2,
“Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewal of your mind, that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect.”
Gusto natin ng “good”, “acceptable” at “perfect”. Pero paano yun mangyayari kung wala munang “transformation”? At paano mangyayari ang transformation kung walang “renewal of mind”? At paano mangyayari ang sinasabing renewal of mind kung umaayon lang tayo sa takbo ng nakapaligid sa’tin? Kaya kailangang piliing mabuti kung sino pakikinggan, susundin, tutularan.. kung sinong magpapatakbo ng buhay natin.
Ika-dalawampu’t dalawa ng Pebrero, 2005.
Pinili ko kung sinong pakikinggan, susundin at tutularan.. kung sinong magpapatakbo ng buhay ko. Si Kristo. Siya lang ang nakakaalam ng tama at mali para sa’kin. Kung anuman ang “good”, “acceptable” at “perfect”, Siya lang ang makakapaghatid sa’kin patungo do’n.
At pagdating ng kamatayan ko, alam ko may naghihintay sa’king buhay na walang hanggan. At doon, Siya ang makakasama ko. Hindi relihiyon o kung ano-ano pa ang kailangang subukan. Siguro nga minsan kasama yun, pero sa huli, hindi rin yun ang kailangan natin para maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
“For God so loved the world that He gave His only Son, that whoever believes in Him should not perish but have eternal life.” - JOHN 3:16
So pa’no Lord, Happy 6th Anniversary sa’tin! Saka, Happy Birthday naman sa’kin. Haha!
Post a Comment