DG
Bukas, araw daw ng  PAG-IBIG. Kahit saan nga ako lumingon, hindi nawawala ang kulay pula at pati na rin mga kung ano-anong mga bagay na hugis puso. Kahit saan din ako magpunta, ang daming “lovers”. Sabagay, kahit naman hindi Pebrero nagkalat ang mga mag-sweethearts. And kekeso pa. Kainis. Haha! hindi naman ako bitter, nagsasabi lang ng totoo. Ika nga sa ingles, “I’m just stating a fact.” Haha.

Pero higit sa bukas, mas mahalaga ang ngayon. Bakit? Teka lang…

Maaga akong gumising, tapos nagtext ako kay Jo Anne: “Pwede bang magdala ng bag?” Tapos yun, pwede naman daw. Kung anong laman ng bag ko, yun ang hindi ko matandaan. Nagkita kami sa kung saan tapos deretso sa Recto. Lao-enteng, yun ang building na hinanap namin. Akyat kami sa third floor, tapos nakilala ko si kuya Aga, este kuya Noel pala. Tapos, nakilala ko rin sila ate Melai, Janice, KR, Rose Jean, Dang at napakarami pang iba. Yun, yun ang unang pagtapak ng paa ko sa ikalawang tahanan ng puso ko – HORIZON.

Akalain mo nga naman, anim na taon na pala ang nakalipas. Parang kailan lang. Parang kailan lang nung una ko silang makilala. Hinding-hindi ko yun malilimutan.

Ika-labintatlo ng Pebrero, 2005.

Unang beses akong bumati saKanya ng “Happy Hearts’ Day”. Ngayon, Velentine’s na naman..
Sabi ni JoAnne kay kuya Jai, “Happy Valentine’s Day, Love.” Eh ako, Lord? Kailan ako babati ng ganun na may “love” rin sa dulo? Haha. ‘Di bale, pwede namang bumati ng “Happy Valentine’s Day” lang.
Ikaw? May bumati na ba sa’yo? Sige, batiin na kita, 


“Happy Valentine’s Day! May your heart be full of love.”


Oh yan, may “love” pa rin sa dulo. Next time sasabihin ko rin yan sa isang tao.. pero aalisin ko na ‘yung “may your heart be full of..” NEXT TIME.

Sa ngayon, reminisce ko muna ang unang beses kong nakilala ang pinaka-dakilang mangingibig ko. Pero sa totoo lang, nung araw na yun hindi ko pa talaga SIYA kinilala. Natatakot ako eh. Baka kasi marami Siyang maging demands sa’kin. Saka pati na rin, baka masaktan lang ako. Pero hinding hindi ko malilimutan ang sinabi Niya nung araw na yun.. Nakatatak na yun sa puso ko….



[ to be continued… ]




Labels: edit post
2 Responses
  1. jhopen Says:

    at klan nman po ang continuation? :)


  2. DG Says:

    Hintayin mo lang.. malapit na. :D


Post a Comment