Kapag masakit, walang kasing sakit.
Una pa lang naman, 'yan na ang sinabi sa'kin eh. And I've prepared myself for that. Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing dadating ang mga pagkakataong katulad nito, parang laging "first time".
Gusto ko naman ng thrill sa buhay eh. Sabi nga, "life without pain is not life at all". Hindi tayo totoong mabubuhay kung hindi tayo handang humarap sa hamon ng buhay. Ano daw? Basta 'yun na 'yun. Pero minsan lang talaga parang masyadong masakit. Minsan parang sagad sagad na. Minsan parang hindi mo na kaya. Kung iisipin, alam mong kaya mo naman eh. Kung iisipin, alam mong malalampasan mo. 'Yun nga lang, minsan, sumisigaw na ang puso mo, "saklolo!". At wala kang magawa kundi pumunta sa isang sulok, humawak sa dibdib at sabihing "chill ka lang heart, kaya natin 'to". Haha. Sana nga ganun lang kadali lahat.
Alam kong wala pa 'to sa kalingkingan ng 'pinaka'. Pero hindi rin naman ako robot para hindi sumigaw ng 'aray'. Excuse me po, tao lang din ako.
At dahil tao nga ako, lalaban ako. Kapag ba naglabas ng sama ng loob, mahina na? Hindi naman 'di ba? Sadyang may mga bagay lang na mailalabas mo sa pamamagitan ng pagtipa.
Kapag masakit, walang kasing sakit.
PERO, kapag masaya, walang kasing SAYA.
Weather weather lang naman 'di ba? So habang andito si 'walang kasing sakit', ayos din. Gapang gapang lang din. At unti unting tatayo sa muling pagbabalik ni 'walang kasing saya'.
Dahil ilang 'sakit' man ang dumating, alam kong sa huli, MAS MASAYA pa rin.
Laban lang :)
Laban lang :)
onga, walang sukuan.. laban kung laban :)
:)
haha. ako din lumalaban.. :D tao din pala ako. kala ko kasi Diyosa.. :))
Ikaw na ang diyosa Jane :P